Guilty or Not Guilty?

•June 28, 2010 • Leave a Comment

Last Saturday, June 26, 2010, Marlon, John, and I went to Amansinaya Resort in Talisay, Batangas to check the place kasi the 2010 Leadership Training and Seminar on July 25 will be held there. The ocular visit went well, we checked the Pugadlawin Adventure Camp where the teambuilding activities will be conducted, and the Aqua Park for the students’ R&R. The resort manager, (Ryan or Raymond) is generous enough to give us fresh buko juice while we enjoy the view of Taal Volcano. The infinity pool has the perfect view of the Ambon-Ambon Falls and the vast forest of Batangas.

After spending almost an hour in the 365-hectare resort (of course hindi naman talaga namin nalibot lahat) we decided to go back na sa school. And the “hindi makakalmutan pangyayari sa tanang buhay ko” happened. I heard John says “Oh my God!”. I was checking the photos taken during the visit so when I looked at him talagang magkahalong takot and gulat nakita ko sa face niya. I thought the commotion outside our van was just a mere “away kapit-bahay”. ‘Nung nakita ko ‘yung lalaki na tumatakbo sa gitna ng high-way (early 30s siguro) na buhat-buhat ‘yung batang duguan, I realized na accident ‘yun. It seems na nasagasaan ‘yung batang lalaki ng delivery truck na that time ay nakatigil sa kabilang side ng daan. We were all shocked. Noon lang ako nakakita ng ganoong eksena.

When I looked back, nakita kong pumapara ng tricycle ‘yung lalaki. ‘Nung medyo nakalayo na kami naisip ko sana sinakay na namin. Hindi hamak na mas mabilis ang van sa tricycle. After few minutes, we saw the tricycle siguro 200 meters behind us. Then nawala ‘yung tricycle sa sight namin. The next time na lumingon ako, I saw an orange van na nagfa-flash ng ilaw. I instructed our driver na bagalan ‘yun sakay naming van and let the other van pass. Siguro nandun na ‘yung bata. We saw the sign ng hospital, sa Tagaytay Rotonda pa pala ang nearest hospital which is I think 30 minutes away from where the accident happened.

Naguilty tuloy ako dahil hindi namin sinakay ‘yung bata. Nag-isip tuloy kaming tatlo. Kung sinakay namin ‘yung bata hindi naman namin alam kung saan ang pinakamalapit na hospital. Baka rin maaksidente kami kasi matataranta ‘yung driver namin, bangin pa naman ‘yung gilid ng daan. Baka hindi makaabot sa hospital at mamatay sa loob ng van ‘yung bata.

Kanina, Marlon told me na napanaginipan niyang namatay ‘yung bata. May kasabihan na kabaliktaran ng panaginip ang tunay na nangyayari. Sana nga. Sana buhay ‘yung bata.

life’s lessons come from the hardest situations

•June 11, 2010 • Leave a Comment

1. Never follow your emotions when intoxicated/drunk.
– You might regret what you did when you sober-up.

2. Never believe anyone who is also intoxicated.
-They might not have meant it and just went with what they felt that time (mostly affected by hormones) and might also regret it the next day.

3. Never play the game if you don’t want to lose.
-You will never be the master of the game… And if you are, you wouldn’t like yourslef.

4. If someone likes you, they will do something about it.
-Wouldn’t you do the same? (If you have the guts?)

5. If you like someone, do something about it.
-Gone are the days of the “Maria Clara”… The worst that could happen is that they don’t like you back… At least you could face the painful truth and move on.

6. If someone doesn’t like you… MOVE ON!
-Time wasted is TIME WASTED… Think of how many productive things you could have done instead of fantasizing that he/she will eventually like you back.

7. Never recycle… Grabage is garbage…
-I’m not talking about newspaper or plastic bottles… If you broke up with someone, man up and just move on. “But it’s not fair to do that, what if we could work things out?” Then don’t break-up and work things out together. That’s the whole point of having a relationship. It’s not going to be easy.

8. There is no such thing as a “cool-off” period.
-This is just another term for “baby give me time to look for someone better before we actually break up and if I don’t really find anyone, we could always get back together right?”. Cooling-off is for overheating engines. Break-up if you need to break up, work it out if it’s worth working out!

9. Sex changes everything.
-If you like someone, never let your hormones take over… Because once the “deed” is done and you feel nothing for him, that is when trouble starts. On the other side of the fence, maybe sex is all that you or he/she is after… Might as well get things straight.

10. Honesty is the best policy.
-When trust is gone… There is no turning back.

11. Never look for a perfect fit.
-Looking for love is not the same as looking for shoes. When you put it on and it hurts, you can’t just take it off. Sometimes you need to learn to compromise.

12. Never settle for anything less than what you want.
-If it means being lonely forever, so be it. But it does not mean to have skyscraper standards… Again, learn to compromise. Not all of us are perfect. Watch “Shallow Hall”.

13. Knowledge does not come with age… It comes with experience… And learning through that experience.
-Some people are just dumb. And they stay dumb out of the idea that it’s safe to stay in their idea of a “good thing” like “I don’t believe in relationships because eventually we’ll end up hurting each other.”

14. Don’t over-analyze things.
-Imagine the using time you spend over-analyzing in more productive thing like acting on what you need to be done.

15. There are A$$h*les out there.
-Some people really have the innate ability to be acidic to others. They are there and will always be there… Either stay away, or learn to understand.. Never confront… (UNLESS NEEDED)

16. Don’t love yourself too much.
-You might miss out on the glory of loving others.

17. Believe in a higher power.
-Whatever religion you have (or don’t have), learn to believe in the creator. Have a belief… Life will make more sense.

18. Don’t spread yourself too thin.
-You don’t always have to be everywhere everytime. Have time for yoursefl and concentrate on things that matter.

19. There is always a reason for everything.
-Imagine if my __________ didn’t _____________ when I was young… Then I wouldn’t be the wonderful me that I am today.

20. There is always a reason… But don’t spend you life finding it.
-Spend time with your love ones…. Need I say more?

22. Never care for negative things that people say about you.
-Thank them for the “constructive critisism”… It only means that other people are willing to spend time thinking about/of you. you are THAT special to them.

23. Cherish your friends.
-Friends are the next best things to family. But know your friends. Learn that it’s easier to have enemies as friends rather than friends as enemies.

24. Only spend for half of what you have.
-You don’t have to try too hard. Always think that at the end of the day, you need to be able to survive on your own. Save-up.

25. The world is a very lonely place to be alone.
-If you have a fight with a friend, regardless if it’s your fault or not, be the bigger person and patch things up.

Tweet, Shout-Out, Status, at Iba pa

•June 7, 2010 • Leave a Comment

Marahil walo sa sampung Pilipino ngayon ay may Friendster, Multiply, Tweeter, o hindi kaya ay Facebook account. Pinadali na nga ng mga Social Networking Sites o SNS na ito ang paraan ng pakikipagkomunikasyon ngayon. Ang mga kaibigan ko noong elementary mabilis akong natunton, nakapag-set agad ng reunion ang mga katropa ko noong high school, at updated na rin ako sa mga kaganapan sa buhay ng mga kamag-anak ko sa probinsya. Maraming naitutulong sa atin ang mga sites na ito, pero may mga tao ring inaabuso ang paggamit ng mga SNS.

Ilang local celebrities na ba ang nagkaroon ng misunderstanding kundi man ay nahantong sa hidwaan dahil sa mga tweet, shout out, at status postings? Ang grupong “Ampalaya Anonymous”, inakusahang binu-bully si Pauleen Luna na nililigawan ‘di umano ni JC Tiuseco na ex naman ni Maxene Magalona na myembro ng nabanggit na grupo. Nalaman din ng madla ang pag-sisante ng mommy ni Charice sa Philippine Manager ng batang singer dahil sa post ng nauna sa Facebook na kalaunan ay binawi rin nito. Sino rin ba ang ‘di makakalimot sa mga maanghang na FB post ni Direk Gina Alajar against starlet Krista Ranillo nang ma-link ito kay Manny Pacquiao? At ito ngang huli, ang matataray na tweet ni Angelica Panganiban na sinasabing patungkol kay Gretchen Barretto ang naging laman ng tabloid at mga showbiz intriga talk shows ngayon. In fairness, ang taray din ng sagot ni Gretta, “You want war, I’ll give you war. I’ll be there in my red stilettos.” Taraaaaaaaayyyyyy.. Single ka teh?!

Hindi lang naman mga celebrities ang nagkakainitan dahil sa mga tweet at shout outs na ‘yan. May mga kilala rin ako at ka-FB, ka-FS, at ka-Tweet na todo rin ang paglabas ng mga saloobin sa mga nasabing sites. May mga pambabanta, panlalait, at pandaraot. May mga naghahamon ng away, nanakot, nagpapasagi, or nagpaparinig. Mayroon ding mga trying hard mag-English eh kahiya-hiya naman ang grammar. Mas mabuting pang tinagalog na lang kaysa duguin ang utak mo sa pag-intindi ng baluktot na Ingles. Kamakailan nga lang eh tinangka naming magkaibigan buksan ‘yung isang profile, noon ko napatunayan na ang account niya isang malaki at nakakapaminsalang VIRUS. Aba naman, nag-hang ang computer ko at kinailangan pa i-restart para magamit ko ulit. Lesson learned: ‘Wag mag-open ng profile na puro negative at insecurities ang laman, CONTAGIOUS ‘yun, hindi lamang dahil sa mala jejemon sa hirap intindihin ang English statement niya, kundi nakakapaminsala rin kahit na ang pinakahigh-end na computer.

Mayroon akong 200 plus na FB friends na karamihan ay hindi ko naman talaga kaibigan. Naging schoolmate, classmate, at officemate ko pero hindi naman talaga maituturing na friend. Hindi lang naman sila ang laman ng FB list ko, mayroon ‘ding mga online shops o ‘yung mga nagbebenta ng damit, accessories, cellphones, bags at kung anu-ano pa. I tried bumili ng mga dress at swim wear. Sa una ok naman ang mga transactions. Mabilis ang delivery at magagandang klase ng mga damit ang nakukuha ko. But the last dress na nabili ko worth P400, ay sus, P150 lang pala sa 168 mall sa Divisoria. To think na walking distance lang ako sa 168 mall, talaga namang nanghinayang ako. Sabagay kailangan nila ng tubo, ano pa’t nagbusiness sila ‘di ba?

Dahil nagtatrabaho ako sa isang university, natural lang na may mga FB at FS friends ako na estudyante. Nakakatuwa sila dahil ginagawa nilang venue ang SNS para mag-tawag ng meeting, mag-aanounce ng activity, kumopya ng assignments, manghiram ng libro, pati na rin ang panliligaw doon na ginagawa. Mayroon din akong friends na hango sa Bible at mga inspirational quotations ang pino-post araw-araw. Hindi rin mawawala ang mga taong walang sawa maglagay ng mga pangyayari sa buhay nila na wala namang pakialam ang ibang makakabasa. Kumbaga kinakain lang ng newsfeed niya ‘yung space sa monitor mo. Ouch ba?! Hahahaha!

Matalino ang tao, sa loob ng ilang taon siguradong mapapalitan na ng mas high-tech na pamamaraan ang pakikipagkomunikasyon. Saksi ako sa mabilis na pagpalit ng teknolohiya. Naabutan ko pa ang de-ikot na pag-dial ng telepono, nakipagpalitan pa ako ng sulat sa penpal ko sa Davao, nakatawag pa ako gamit ang napakalaking Motorola mobile phone with antenna ‘yun ha, na-try ko ring i-beep ‘yun crush ko ‘nung second year high school, nagkaroon rin ako ng two-liner na Motorola phone, halos sampung libo pa ang bili ng tatay ko sa regalo niya sa aking Nokia 3210 nine years ago, manual camera pa ang gamit ko sa photography class ko noong college, nakipag-chat pa ako sa MIRC, at tagaktak ang pawis ko tuwing enrollment dahil mano-mano pa ang pagkuha ng class cards at class schedule. Mabilis ang utak ng tao, matalino sa paglikha at pag-imbento. Pero sana mas maging matalino tayo sa wasto at kapakina-pakinabang na paggamit ng mga ito.

Mga Eksena sa Loob ng Jeep – Part 1

•June 3, 2010 • Leave a Comment

Wala akong motor at lalong wala akong chikot , kaya sa araw-araw na ginawa ng Dyos, obligado akong makipagpatintero sa mga basura sa Divisoria, makipagkarerahan sa mga nagmamadaling estudyante at empleyado, umiwas sa mga snatcher at manyak sa Recto, langhapin ang maitim na usok na binubuga ng mga class at de-karagkarag na mga sasakyan.

Pero sa araw-araw na pagco-commute, hindi rin ako nakaligtas sa mga nakakatawa, nakakatuwa, nakakasuka, nakakabwisit, at nakakakainit ng ulong mga kaganapan sa loob ng jeep na aking sinasakyan. Ilan lang ang mga sumusunod sa daan-daang drama at komedya na aking nasaksihan.

Ugali ko nang sumakay sa jeep na marami pang free na upuan para nga naman makapili ako ng pinakakomportableng pwesto. Hindi ko nakasanayan umupo sa gitna. Istribo, likod o katabi ng driver na sweet lover daw, ako mahilig tumambay. Sadyang maarte lang ako at ayaw ko ng nasisiksik, maliban na lang kung kasama ko ‘yung jowa ko. Ok lang kahit pitpitin niya ako para sweet kunwari. Hehehehe.

Eksena 1 – Lola at Lolo Bukayo

Ilang beses ko nang nakakasakay ang mag-asawang BUKAYO. Ang eksena si Lolo Bukayo tatanungin ako kung byaheng Morayta ba ‘yung jeep kahit litaw na ang litid ni manong barker sa pagsigaw ng “MORAYTAAA!!!, MORAYTAAA!!!”. Syempre bilang pagalang sa nakakatanda saken, tatango na lang ako sabay smile. Pero bago sumakay ng jeep, isang matunog at malutong na SMACK muna ang pakakawalan ni Lola Bukayo kay Lolo Bukayo. O ‘di ba? Parang Kim Chiu at Gerald Anderson lang. Noong first time ko nakita ang ganitong eksena, medyo nagulumihanan ako. Minasdan ko ang aking paligid. Hindi naman black and white, hindi naman nakasuot ng baro’t saya ang mga tao, at hindi rin naman kotseng kuba ang mga sasakyan. Akala siguro nina Lolo at Lola Bukayo mga bagets sila. Pero narealize ko, bihira ang mga mag-asawang ganun ang edad na may sweetness pa sa katawang lupa. Karamihan sa mag-asawa nawawalan na ng amor. Kaya nang masaksihan ko ulit ang eksenang ito, ang naging tanong ko na, “Ako rin kaya makakahanap ng Lolo Bukayo?”

Eksena 2 – Spit Revenge

Palasak na sa Divisoria ang mga Badjao na sumasampa sa mga jeep. Armado ng tambol at nakaka-knock-out na bad odor, magsasayaw ang maliit na Badjao sa gitna ng jeep habang nagtatambol at kumakanta ng alien song ‘yun isang bata sa istribo ng jeep. Kahit hindi Christmas season, parang kabute kung magsulputan ang mga ito. At mas dumarami kapag akinse at katapusan ng buwan. Isa-isang bibigyan ni Badjao dancer ng sobre ang mga pasahero. Nakaimprenta ang panawagan at paghingi ng munting limos. Minsan na akong nagbigay ng chicken sandwich na dapat eh meryenda ko, minsan naman limang piso kapag may sukli ako. Natural na sa mga pasahero ang deadmahin ang mga Badjao na namamalimos. Pero ‘yung isang babae, nagalit, minura, at sinigawan ‘yun bata. Kinakalabit siya kasi kaya ayun winasiwas ang maputik na kamay ng bata. Bilang ganti, dinuraan ng bata ‘yung babae bago bumaba. Napangiti ako, buti nga sa kanya. Kung hindi ka rin naman tutulong, ‘wag ka na lang magsabi ng masasakit na salita sa kapwa mo lalo na sa mga taong lugmok na. Lalo mo lang pinaparamdaman sa kanila na kaawawa sila at pinandidirihan ng lipunan.

Eksena 3 – Samu’t Saring Kasabihan

Napa-ARABIRA ako sa jeep na sinakyan ko, kasi ba naman parang fiesta sa dami ng mga nakasabit sa loob nito. May dwendeng maliliit (dwende nga eh syempre maliit), maalikabok na mga parol, plastic na mga prutas, at mga kung anu-anong mga kasabihan. Ilan lamang ang mga ito sa mga mababasa sa loob ng jeep na karaniwang nakalagay sa likod ng drayber. Mga babala sa pagbabayad: Barya lang po sa umaga; God knows HUDAS not pay; Barat ang tawag sa kulang ang bayad; Basta sexy libre, sa driver lang tatabi; Yan ang pasahero alisto sa bayad ay husto; Magbayad ng maaga ng di maabala. Mga pa-sweet na linya: Miss angkinin mo na ako wag lang ang kita ko; Miss hita mo’y takpan pagkat matang maloko ang nakaabang; Basta driver sweet lover; Humandang mapisa ‘pag tumigil bigla. Para sa mga nandudugas: Sat/sun/holiday student no discount. Sa mga high-tech na jeep na byaheng Coguio-Cubao: Full d string 2 stop; Batak mo hinto ako. Mga pananampalataya: God bless our trip; Diyos ang patnubay sa ating paglalakbay. Anuman ang mga kasabihan, pambabanta, at paalala na nais ipabatid ni manong drayber, ang mahalaga ay magbayad tayo ng wasto, maging alisto, ‘wag manamantala at ‘wag magpasamantala, at higit sa lahat, ‘wag matulog sa sasakyan nang hindi lumagpas sa iyong bababaan. Hahaha! (guilty ka nu?!)

Rubi sa Hapontastik – Usapang Magulang

•June 2, 2010 • Leave a Comment

Mainit ang panahon yesterday pero mas naging mainit ang ulo naming magkapatid nang may isang negro at mabantot na mamang galing sa planeta ng mga lasinggero at bastos, ang biglang sinigawan ang mahal naming ina.

I know what customer service is, pero kung nanay, tatay, kapatid, o jowa (isama talaga ang lovelife?!) ko na ang sisigawan, aba naman, ibang usapan na ‘yan. Lalabas ang mga bulate sa katawan, magiging kasing laki ng pakwan ang adams apple, lifetime menstruation, tutubuan ng kaliskis ang dila hanggang lalamunan, at malulunod sa ebak at ihi nina Yukie at Shemmee (aso’t pusa namin ‘yan, jejemon kasi ‘yun pusa namin kaya ganyan ang pangalan), ang sinumang lalapastangan at magtataas ng boses sa mga mahal ko sa buhay.

Bago pa man uminit ulit ang ulo ko, ikukwento ko na ang buong pangyayari. Walang bawas at walang dagdag, walang edit, adjustment, o enhancement.

Alas dos ng hapon kahapon, nasa karinderya namin kaming magkapatid dahil nasira ‘yun wire ng kuryente namin sa bahay (bad trip na meralco ‘yan, mabilis magputol, mabagal naman magreconnect!). Anyway, kumakain ako ng tanghalian ‘nun at katabi ko naman ang kapatid ko. Nagkukuwentuhan pa kami ng kapatid tungkol sa facial treatment, nang may isang umaatungaw na nilalang ang umagaw ng aming atensyon.

Mamang negro to nanay ko: MASARAP BA ‘YAN?

(Kasing lakas ata ng sigawan ng fans ng Ginebra sa Araneta ‘yun boses niya kaya syempre napalingon kaming magkapatid)

Nanay ko to mamang megro: NAPATINGIN TULOY SA ‘YO MGA ANAK KO.

Mamang negro to saming magkapatid: BIRUAN LANG NAMIN ‘YUN.

(Kasing hina na ngayon ng pagchi-cheer ng Barako Bulls’ fans ang boses niya)

Kapatid ko to mamang negro: HINDI PO BIRO ‘YUN, PAMBABASTOS PO ‘YUN!!!

Ako to mamang negro: ‘WAG ‘NYO NA LANG PO UULITIN.

(Mahinahon ako ‘nyan, isipin ‘nyo na lang na si Agua ang nagsasalita)

Nanay ko to mamang negro: ‘DI KA KASI NILA KILALA.

Kapatid ko to nanay ko: KAYA NGA PO NAGPAPAKILALA KAMI EH.

(This time, nakahakbang na few steps away ‘yung mamang negro, eh bigla ba namang lumingon at tumitig sa amin ng masama. Mukhang may paghihiganting binabalak, tipong kontrabida sa mga action films ni FPJ.)

Nanay ko to mamang negro: SIGE NA, AKO NA BAHALA.

Ako to mamang negro: NANAY NAMIN ‘YAN, MAHAL NAMIN ‘YAN KAYA ‘WAG NINYO PO SISIGAWAN!

(Mahinahon pa rin ako ‘nyan, pero naglevel-up, parang si Gwen ‘nung nalaman niyang hindi si Frank ang tunay niyang ama)

Mamang negro to samin: PASENSYA NA. (Sabay layas bitbit ang biniling ulam)

Syempre habang nangyayari ang komprontasyon, asahan mong parang kinuryente ang mga tambay naming kapitbahay dahil sa pagkabigla. They did not expect na matatapang ang mga anak ng nanay ko.

This was not the first time na may sinagot ako dahil sa pagsigaw at magaspang na pag-uugali. Ito ang isa pang certified tambay at lasinggero ng barangay na akala mo eh halal na mayor ng Maynila kung umasta. Itago na lang natin siya sa pangalang NILO na taga Abad Santos. Hahahaha!

NILO to nanay ko: MAHAL NAMAN ‘NYAN! JOLLIBEE BA ‘TO? (pertaining to fried chicken worth P40.00)

(Nasa loob ako ng bahay pero malinaw pa sa mata ng boss ko ang pagkakarinig ko. Super mega nagpinting ang tenga ko.)

Ako to NILO: KUNG HINDI KA BIBILI, UMALIS KA NA DITO. NANAY KO ‘YANG SINISIGAWAN MO!

(Ayun lumay ang damuho, either napahiya siya or wala talagang pambili.)

Actually may hina-hunting pa kaming magkapatid na walang hiyang POKISTA na tinaasan ng boses ang aking mahal na nanay. Tinanong ba naman sa napakataas at namamataray na tono ang aking nanay nang, “MALINIS BA’YANG KAMAY MO?” Naku, abot hanggang sa tuktok ng Burj Khalifa ng Dubai, na pinakamataas na building sa mundo, ang pagtitimpi ko. Kung pamumugin ko kaya siya ng alcohol, ilublob sa kumukulong hand sanitizer, ikula sa sampung litrong asido, at ibilad sa yero na may 100 degrees celcius na init, tingnan lang natin kung sino ang may mas malinis na kamay after I do that sa kanya.

Mahaba ang pasensya ko, hindi ako mataray, hindi ako pala-away, ni hindi ako tumatambay o dumadayo kung saan-saan para makasagap ng tsismis. Pero kung babastusin na at sisigawan ang sinuman sa pamilya ko, talagang lalabas ang pagiging RUBI ko, automatic na napipintahan ng sobrang pulang lipstick ang mga labi ko. ‘Lam mo ‘yan te! Achieve na achieve!

Sa mga customers na nagbabalak na singhalan o sisigawan ang nanay ko, naman! ready na kayo dapat sa aming magkapatid. Swerte ninyo kung wala kaming magkapatid sa karinderya ‘pag nangyari ‘yun dahil bibiruin lang kayo ng nanay ko. Subalit, pero, datapwa’t hindi man namin kayo agad masesemplang magkapatid, in the future, may pagkakalagyan din kayo kapag nakarating sa amin ‘yan courtesy of our SNN neighbors. Hindi namin kailangan ang pera ‘nyo, kahit pakyawin ‘nyo ang tinda namin kung kapalit eh sisigawan ninyo kami, ISAKSAK NINYO NA LANG  ‘YANG PERA ‘NYO SA MAITIM NINYONG BUDHI! (Waapaaakk sabi nga ni K Brosas)

Maswerte kami sa mga magulang namin, mula pagkabata hanggang ngayon pagkagising naming magkapatid ready na sa hapag kainan ang almusal namin at pati maligamgam na tubig pampaligo kapag malamig ang panahon. Sila ang napupuyat sa pagpaypay saming magkapatid tuwing black-out at taga masahe ng mga likod at ulo namin ‘pag sumasakit. Kaya wala sinuman, kahit pinagkakautangan namin o kahit pa kasing yaman ni Mexican tycoon Carl Slim Helu, ang pwedeng suminghal sa mga magulang ko.

May mga nanay at tatay ‘din kayo, gugustuhin ninyo bang lapastanganin sila ng mga taong walang kaluluwa?

Ako kasi, HINDI!

Eh Ano Naman Ngayon? – Keber Lang!

•June 1, 2010 • Leave a Comment

I was about to post my first blog when a friend told me that I need to introduce myself first so the readers would somehow know my background. Hala straight English?!

– Eh ano naman ngayon?
Keber lang, lahat naman ng mga makakabasa siguro nito ay mga Pinoy kaya, walang kokontra, magta-Tagalog ako.

Syempre sinunod ko ang kanyang payo kaya heto ako ninanais na ipakilala ang aking sarili. JOCELLE JIMENEZ VILLAMOR ang full name ko. Jose at CELia ang mga pangalan ng magulang ko, no brainer ba? May tatlo akong kapatid pero ‘di ko na babanggitin ang mga pangalan nila, (hindi kasi sila mahilig sa showbiz) magpopost na lang ako ng pictures namin pero teka, pano ba gawin dito ‘yun? Facebook, mutilply, at friendster lang ang alam ko uploadan ng pictures kaya ngayon eto,nagmumukha akong alien sa wordpress.

– Eh ano naman ngayon?
Keber lang, mahilig naman akong mag-explore.

Mula elementarya, sa pampublikong paaralan na ako pinag-aral ng aking mga magulang. Nagtapos ako ng kolehiyo sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa kursong Bachelor in Mass Communication. Kinahiligan ko na ang pagsusulat mula noong high school. Sa kabutihang palad, o marahil naawa lang saken ang mga hurado, may mga kompetisyon sa pagsulat naman akong napanalunan. Ang tanong ko ngayon sa sarili ko, may magbabasa kaya ng mga nakakaumay at nakakaantok kong artikulo?

– Eh ano naman ngayon?
Keber lang, ang mahalaga mailabas ko ang kakaunting laman ng aking malikot na utak.

Hello world!

•May 31, 2010 • 1 Comment

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!